Monday, September 01, 2008

BAKIT NGAYON PA?!

nov.29, 2006
03:50 pm
alam kong ang puso nati'y iisa
alam kong ang puso'y nakalaan para sa isa
ngunit nagkaroon akoh ng pangamba
nalito na sa naramdaman simula ng dumating ka.
naging parte ka ng aking pagkatao
naging hingahan ka ng mga problema ko
napupunan mo ang pagkukulang ng mahal ko
unti- unting nalimutan ang mahal kong nasa malayo.
isang gabing nag-iisa at nakatulala
biglang sumagi sa isipp ang aking nagawa
aking napagtanto, ako'y nahulog na
nahulog sa bitag ng pag- ibig nang di sinasadya.
bakit ngayon pa kung kailan huli na?
bakit ngayon pang ang puso ko'y may nagmamayari na?
ngayon tuloy ako'y labis na nababahala
ang puso kong ito'y nahahati sa dalawa....
:(

No comments: